The United Church of Canada/L'Église Unie du CanadaTrouble reading this page? See our help page!
Ang “Crest” ay ang opisyal na lagda /simbulo ng United Church of Canada na itinatatak sa mga legal na Dokumento, ng pagtatalaga ng ministro, paglagda ng mga sertipiko at lisensiya pag-nagdaos ng mga sakramento. Ang “Crest” ay disenyo ni Rev. Dr. Victor T. Mooney, (Tresurero ng United Church of Canada), at opisyal na ginamit noong taon 1944 ng ika-labing isang Konseho Heneral. Para sa mga kasapi ng simbahan, ang tatak na ito ay nagpapa-alalang ispirituwal at ng kasaysayan. Ang hugis na bilog-haba ay kinuha sa korte ng isda, simbolo ng pagkakaisa ng mga naunang Kristiyano. Ang pagkakakilala ng mga salitang “HesuKristo anak ng Diyos, Tagapagligtas” sa Greko na ang kahulugan ay isda.
Ang “Crest” ay idinesenyo sa hugis ng krus ng St. Andrews na may simbulo sa apat na sulok, X sa gitna, ang unang letra ng Grekong salita para kay “Kristo”. Sa apat na sulok ng “Crest” ay nakatatak ang tatlong Komunyon – Kongregational, Methodista, at Presbyterian, na nag-kaisa para mabuo ang United Church noong taon 1925.
Ang salitang Latin na “u omnes unum sint” na nakapaligid sa “Crest” ay nangangahulugan ng “Ang Lahat ay para sa Isa” na kinuha sa mga salita ni John 17:21. Ipinahihiwatig na tayong lahat ay iisa at pinag-isa ng simbahan.
1980 ang Prances na kahulugan ng United Church of Canada “L’Eglise Unie du Canada” ay pinayagan ng Konseho Heneral (General Council) na maidagdag sa “Crest”.