The United Church of Canada crest /L'Église Unie du Canada
3250 Bloor St. West, Suite 300
Toronto, ON M8X 2Y4 Canada
Toll-Free: 1-800-268-3781
Fax: 416-231-3103
Website: www.united-church.ca
Search
Quick Links

Overview

Ang Basehan ng Unyon

Trouble reading this page? See our help page!

Itinala ng mag-kakasamang Presbyterian Church sa Canada, ang Methodist Church at ng Congregational Churches ng Canada, at pinahintulutan ng Pinakamataas na Hukom ng lahat ng mga nabanggit na simbahan, matapos amendahan ng United Church.

Pangkalahatan

1.1

Ang pangalan ng simbahan na itinatag ng union ng Presbyterian, Methodist at ng Simbahang Congregational sa Canada ay tinawag na “The United Church of Canada”.

1.2

Patakaran ng United Church of Canada na ipamalakad ang kahalagahan ng pag-kakaisa, na sa paniniwalang darating ang araw na ito ang magbibigay buhay para sa pagbuo ng pangkalahatang pagkakaisa.

Dokrina

2.0

Tayo, ang mga delegado ng mga sangay ng Presbyterian, Methodist, at ng Congregational na simbahan sa Canada, na nangangako na pahahalagahan ang Kristiyanong Pananampalataya ng bawat isa. Sa pamamagitan nito, maitatayo natin ang haligi na sinimulan ng mga Apostoles at Propeta, at si Hesus ang pinaka mataas na gabay. Sumasampalataya tayo sa mga banal na kasulatan ng Luma at Bagong Tipan na ito ang pinanggagalingan ng mga Kristiyanong paniniwala sa buhay. Tinatanggap natin ang mga aral at mga kredo ng mga lumang simbahan. Pinanatili natin ang ating katapatan sa Dokrina ng pagbabago sa ilalim ng prinsipyo ng Ebanghelyo , na tinangkilik ng simbahang Presbyterian, ng Congregational Union of Ontario and Quebec, at ng simbahang Methodist. Ipinahayag natin ang mga naidagdag na pananampalataya para maiparating sa mga kasapi at iba pang hinihikayat na simbahan, na ang mga nilalaman nito ay tinatanggap ng banal na kasulatan.

2.1 Artikulo 1. Ang Panginoon

Naniniwala tayo sa isang buhay at tunay na Panginoon, isang espirito, (kaluluwa), sakop ang lahat, walang hanggan at hindi nagbabago. Sa kanyang anyo na walang bahid dungis; Ang makapangyarihang “Panginoon”, ang pag-ibig, sa kanyang gawi, ang kapitapitagan at kabanalbanalan, walang katapusang kaalaman, mapagpatawad, maawain, ang katotohanan at ang kabutihan. Sinasamba natin siya sa katauhan ng Diyos Ama, at sa kahiwagaan ng Banal na Espiritu, Ang Ama, Ang Anak at ang Banal na Espiritu, tatlong tao sa isang katauhan.

2.2 Artikulo 11. Ang Paglalahad.

Naniniwala tayo na ang Diyos ay naglahad ng kanyang sarili sa kalikasan, sa kasaysayan, at sa puso ng sangkatauhan; naliligayahan siya na magparamdan sa kanyang mga nilalang na nadadala ng banal na espiritu; at sa pagdating ng panahon, Siya ay magpapakita, na siya ay si Hesus, may laman at dugo, Siya ang kagalakan ng kanyang ama, na pumasok sa kanyang katauhan. Natanggap naming ang banal na kasulatan ng Luma at Bagong Tipan na nabuo dahil ang inspirasyon ay ang Panginoon, na naglalaman ng walang pagkakamaling batas ng buhay, at ng matapat na paglalahad ng “Panginoon” na pinatunayan ni Hesus.

2.3 Artikulo 111 Layunin Banal

Naniniwala tayo na ang walang kamatayan, ang matalino, ang sagrado at ang pagmamahal na layunin ng Panginoon ay sakop lahat ng pangyayari, ngunit tayo ay malaya pa rin. Ang Diyos ay hindi lumikha ng kasalanan. Sa kanyang pagbibigay sa sangkatauhan ay pinipilit niyang gawin ang lahat para matupad ang magandang hangarin at tagumpay.

2.4 Artikulo 1V. Ang Paglikha at ang Pag-bibigay

Naniniwala tayo na ang Panginoon ang lumikha, at siyang namamahala sa lahat ng bagay. Ang Panginoon ang pinakamataas, nillikha niya ang tao sa sariling kabuuan, malayang mamili ng mabuti o masama at malayang manindigan sa Panginoon.

2.5 Artikulo V. Ang Kasalanan at ang Tao

Naniniwala tayo na ang ating unang magulang ay natuksong piliin ang kasalanan at dahilan ito ng paglayo sa Panginoon, at napunta sila sa makasalanang buhay na ang parusa ay kamatayan; Ito ang dahilan ng hindi pag-sunod. Lahat ng tao ay isinilang na may kakambal na kasalanan, kaya tayo ay lumabag sa batas ng Panginoon at walang makakasagip sa atin, maliban sa “Kanya”

2.6 Artikulo V1. Ang Biyaya ng Panginoon

Naniniwlala tayo na dahil sa pag-ibig ng Panginoon sa mundo, ipinagkaloob niya sa atin ang kanyang tanging anak, para tayo masagip sa ating mga kasalanan. At sa kanyang kaharian lahat ng nagtitika ng kasalanan ay nasasagip. At para pa rin sa kanyang kasiyahan, ang kanyang anak ang sumagip sa sangkatauhan.

2.7 Artikulo V11. Ang Panginoon, Si Hesukristo

Naniniwala tayo na si Hesus ang tanging namamagitan sa Panginoon at sa Tao, ang walang kamatayan na anak ng Diyos, para tayo ay masagip at sumanib sa Banal na Espiritu, isinilang ng mahal na Ina, na walang bahid dungis ng kasalanan, inilahad ng mahal na “Ama” sa pamamagitan ng kanyang mga pangungusap at banal na ispiritu, para ipahiwatig sa atin ang kagustuhan ng Panginoon. Para tayo ay masagip, ginawa niyang lahat ang kabutihan, nagkusa siyang pasanin ang mabigat na krus para makamtan natin ang walang hanggang hustisya at mapatawad ang sangkatauhan. Hanggang siya ay mamatay, bumangon at muling nabuhay at umakyat sa langit. Sa mga taos na naniniwala, siya ay nasa kalangitan sumusubaybay sa atin. Siya ang Panginoon, ang batas; Tayo naman ay nag-aalay ng pag-ibig, pagsunod at pananampalataya, adorasyon, sa ating Propeta, Hari.

2.8 Artikulo V111. Ang Banal na Espiritu

Ating paniniwala na ang Banal na Espritu ay ang Panginoon na nagbigay buhay, na nagmula sa Ama, Sa Anak, na pumasok sa puso ng sangkatauhan para piliin ang kabutihan at ang Panginoon ay binibigyan lahat ng tumatawag at humihiling sa kanya. Naniniwala tayo na nakausap niya ang mga banal na disipulo ng Diyos para maparating sa atin ang katotohanan, at masagip ang sangkatauhan, para tayo maliwanangan ng tungkol sa Panginoon, at para sundin natin ang mga kabutihang ipinasusunod ng simbahan. Lahat ng may pananalig, ay naniniwala sa katotohanan, kapangyarihan, kalangitan, magandang buhay at pag-ibig.

2.9 Artikulo 1X. Pagdating ng Bagong Panahon

Ating paniniwala na kailangan ang pagbabago, dahil tayo ay nagkaroon muli ng bagong katauhan sa pamamagitan ng banal na espritu na ipinagkaloob sa atin ng Panginoon dahil sa kanyang mahiwagang kapangyarihan, na ginamitan niya ng katotohanan sa kanyang mga pananalita, na tinanggap ng bawat nilalang.

2.10 Artikulo X. Pananampalataya at Pagtitika

Naniniwala tayo na ang pananampalataya sa Panginoon ay isang paraan para tayo masagip, siya ay ating tinatanggap at pinaniniwalaan. Ang pagsampalatayang ito ay sinusundan ng pagtitika, dito ay nangungumpisal tayo ng ating mga kasalanan at tayo ay nagiging masunurin sa mga ipinag-uutos ng Panginoon.

2.11 Artikulo X1. Dahilan ng Pag-aanak

Naniniwala tayo na, ang pagsunod Ni Hesus sa kanyang ama para mag-sakripisyo ng pagpasan ng Krus sa ikaliligtas ng mga nanampalataya sa kanya, ay isang halimbawa ng masunuring anak. Tangapin sila bilang kabutihan, at pahintulutan silang mag-ampon ng anak, kabalikat ang lahat ng karapatan bilang isang anak.

2.12 Artikulo X11. Sa Pagiging Banal

Naniniwala tayo na ang mga may bagong buhay ay nakakahalintulad ni Hesus sa pagsunod sa kanya, pagsamba sa banal na espiritu, paniniwala sa katotohanan, na ang banal na buhay ay ang bunga at katunayan ng pananampalataya, at ang naniniwala sa pag-asa ay patuloy na makakatanggap ng mga biyaya sa Panginoon. Naniniwala tayo sa paglago ng biyayang ipinagkaloob ay makakamtan natin ng buo ang kasiguraduhan ng pag-ibig ng Panginoon.

2.13 Artikulo X111. Panalangin

Naniniwala tayo na may humihikayat sa atin na maging malapit sa Panginoon, ang ating Ama sa kalangitan sa pangalan ng kanyang anak, na si JesuKristo, para sa atin at sa iba, ialay natin ang ating mapagkumbabang puso sa Panginoon, Siya ay ating purihin, tayo ay mangumpisal at magtika, humingi tayo ng tulong para sa buhay na walang hanggan. Naniniwala tayo na siya ay sasagot at ibibibgay niya ang lahat ng biyayang makakayanan niya sa pamamagitan ng mahal na panginoon si Hesus.

2.14 Artikulo X1V. Batas ng Panginoon

Naniniwala tayo na ang moral na batas ng Panginoon ay nakatitik sa “Sampung Kautusan ng Diyos” na Pinatunayan ng mga Propeta, nagsisilbing basehan ng katotohanan at hustisya. Naniniwala tayo na kailangan ang bawat isa ay gumawa ng tama, maawa sa kapwa, lumakad ng nagpapakumbaba, sa ganitong paraan mapapalapit ka sa Panginoon, ang kagustuhan ng Panginoon ay matutupad sa pagtutulungan ng bawat isa at ang kanyang kaharian ay mabubuksan para sa lahat.

2.15 Artikulo XV. Ang Simbahan

Tinatanggap natin ang Banal na Katolikong Simbahan, ang mga Santo sa lahat ng bayan, na pinag-isa ng Banal na Espiritu para kay Kristo ang kanilang pinuno na isang katawan, na nagkaroon ng komunyon kasama ang bawat isa at ang Panginoon. Tinanggap natin ito bilang kagustuhan ng Panginoon at ang mga simbahan sa sandaigdigan ay naging isang sagradong magkakapatiran, binubuo ng mga nananampalataya at sumusunod sa kanya, kasama na ang mga bata, at iba pang binyagang kabataan, na nagkaisa para sumampalataya sa Panginoon, sa pagtanggap ng mga sakramento, sa pagpapakilala ng mga santo, para sa pagpapalaganap ng mga kautusan at mabuting gawa. Lahat ng ito ay ating tinatanggap bilang bahagi ng pangmundong pagkakapatiran, lahat ng simbahan ay sumasampalataya kay Hesukristo at sumusunod sa kanya bilang Panginoon at Tagapagligtas.

2.16 Artikulo XV1. Ang Sakramento

Kinikilala natin ang dalawang Sakramento, Ang Binyag at ang Huling Hapunan, na sinimulan ni Hesus, patuloy na katungkulan, simbulo at tatak ng mga napagkasunduan na nilagdaan ng dugo ng ating mahal na Panginoon, na ang ibig sabihin ay biyaya para sa atin at ng lalong mapalakas ang ating pananampalataya at tiwala sa”Kanya”. Sa pamamagitan nito ang simbahan ay makikilala sa buong mundo.

2.16.1 Binyag na may tubig sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Banal na Espiritu ay sakramento na nagpapahiwatig ng pagsama kay Kristo at pagsunod sa mga kasunduan ng binyag. Ang mga kasama sa Binyag ay ang mga sanggol at magulang o tagapag-alaga. Ang mga magulang o tagapag-alaga ay dapat sanayin ang mga bata sa mapang-arugang patakaran ng Diyos at dapat siguraduhin nilang natatanggap ng mga bata ang mga sakramentong dapat nilang tanggapin. Ang simbahan ay obligadong mag-bigay ng patakaran na susundin.

2.16.2 Ang Huling Hapunan ay Sakramento ng Komunyon, kasama si Hesus at ang kanyang mga tauhan. Tinapay at Alak ang kanilang pinasasalamatan na natanggap bilang ala-ala ni Hesus at ang pagsasakripisyo niya sa Krus; Ganuon din ang natanggap ng mga naniniwala sa kanya, pagtanggap ng katawan at dugo ng “Panginoon” para mawala ang kanilang gutom, maging maganda ang pakiramdam at madagdagan ang mga biyayang ipinagkaloob. Lahat ng nanampalataya at sumusunod sa “Panginoon” ay tinatanggap sa “Huling Hapunan”.

2.17 Artikulo XV11. Ang Kagawaran

Naniniwala tayo na ang Panginoon ang pinakamataas na pinuno ng simbahan; Nag talaga siya ng mga Kagawaran: Pangmundo, Sacramento, Pastoral Care, Kagawaran Diakonal ng Pag-aaral at ng Pagsisilbi; At nagtawag ng mga babae at lalaki at pumili ng mga mamahala sa Kagawaran sa ilalim at gabay ng Banal na Espiritu.

2.18 ArtikuloXV111. Ang Kaayusan sa Simbahan at Pakikiisa

Naniniwala tayo na ang pinakamataas na pinuno ng simbahan ay ang”Panginoon”. At ang pagsamba, mga turo, disiplina at ang pamahalaan, ay pinalalakad ng mga taong napili dahil sa kanilang katangian na humawak ng katungkulan. Minsan may mga hindi karapat dapat na humahawak ng katungkulan, ngunit hindi dapat humiwalay ang mga naniniwala, at dapat maki-isa sa kanilang mga kasapi. Ang pakikisapi ay palaging bukas dahil ang Diyos ay gustong mabigyan ng pagkakataon ang lahat. Sa lahat ng panig ay ang “Panginoon” ang tinatawag.

2.19 Artikulo X1X. Ang Muling Pagkabuhay, Ang Huling Paghuhukom at ang Kinabukasan

Naniniwala tayo na mayroon muling pagkabuhay ng mga namatay, mabuti at masama, sa pamamagitan ng lakas ng anak ng Panginoon, na muling magbabalik para husgahan ang mga namatay at nabubuhay; at lahat ng di karapat dapat ay mawawala at mapaparusahan at ang mga karapat dapat ay makakaranas ng buhay na walang hangan.

2.20 Artikulo XX. Kristiyanong Pagsisilbi at ang Huling Tagumpay

Naniniwala tayo na katungkulan natin ang gumawa ng kabutihan sa kapwa bilang disipulo at tagasunod ng ating Panginoon para lalong lumawak ang kanyang kaharian, para rin mapanatili natin ang pang publiko at pang pribadong pananampalataya, para ipagdiwang ang araw ng Panginoon, para mapangalagaan ang kahalagahan ng pamilya, kasal, mapanatili ang magandang pamamalakad ng bansa, mabuhay ng malinis ang puso, tapat, matulungin, para ang ating buhay ay matulad kay Kristo. Maligaya natin na natanggap ang mga salita ng Diyos, hinihikayat na ang lahat ay magkaisa at maging disipulo ng lahat ng bansa, at ipinaparating na ang Diyos ay nasa katauhan ni Kristo pinag-iisa ang mundo, at para masagip niya ang sangkatauhan at mabatid ang katotohanan. Naniniwala tayo na sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan magagapi ang lahat ng kanyang kaaway at ang mundo ay magiging kaharian ng Diyos.


Last updated:
2007/05/23
Created:
2007/05/23